Kaysen’s Lullaby

Pangarap ko ang maging isang published author. Gusto kong magsulat ng detective stories; puno ng thrill at suspense. Ngunit, wala yata akong talent para sa genre na yan. Puro love stories ang naiisip ko. At isa na rito ang kwento na dedicated sa isa kong kabarkada, si Kaysen. Nung mapagdesisyunan namin ng isa pa naming kabarkada (na roomie ko noon) na manood ng libreng movie sa Japanese Festival may nakita akong lalaki sa foodcourt na nakakuha ng interes ko. Inaantay namin nun ang next show kaya naisipan naming kumain na muna. Nagbabasa siya ng Shanghai Baby. Habang tinititigan tinitignan ko siya (ang kapal ko lang talaga) naisip ko na bagay sila ni Kaysen at nagsimula ng maglakbay ang utak ko hanggang sa makabuo ako ng kwento para sa kanila. At kasali sa kwento ay ang paglikha ng lalaki ng kanta para kay Kaysen. Eto ang lyrics:

Ipikit ang iyong mata sinta
Wag mangamba di ako mawawala
Nandito lagi sa iyong tabi
Kasama mo hanggang sa huli.

Matulog ka ng mahimbing
Mananatili ako sa iyong piling
Karamay mo sa lahat ng oras
Iaalay itong pag-ibig na wagas.

Sandaling ipahinga ang iyong diwa
Para sa isang umagang sariwa
Kalimutan ang iyong mga problema
Handa akong tulungan ka.

Payapain ang kalooban
Damhin ang katahimikan
Bukas sa iyong paggising
Iyong ngiti ang tangi kong hiling.

Advertisements

One thought on “Kaysen’s Lullaby

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s