A Dansk Experience: Kids in Action

Pinagtitripan ‘ata ako ng mga bata.

I had a funny (or awkward maybe) moment last Friday. May nakasalubong akong bata. Sebastian daw ang pangalan niya. He talked to me in fast Danish. Nagnosebleed ako. Sa dami ng sinabi niya, konti lang naintindihan ko. Sumagot na lang talaga ako ng “di ko alam”, in dansk syempre. At nag-farvel na kami sa isa’t isa. Pero, bago siya tuluyang nakalayo, lumingon pa siya at tinanong ang pangalan ko. Hankyut lang. hihihi!

Akala ko sapat na yung experience na yun para sa isang linggo. I was wrong. Kinabukasan, may nakasalubong na naman akong bata, dalawa na sila ngayon. Kinausap nila ako, in fast Danish (again). Nosebleed ulit ako. Nagtatanong sila, tungkol sa ngipin ata. Di ako sigurado. Di ko rin alam anong isasagot ko, kaya nag “det ved jeg ikke, undskyld” na lang ako. At nagfarvel na ako. Dahil sa pangyayaring yun, napaisip ako, I need to double time on practicing my dansk at ng hinde puro “det ved jeg ikke” na lang ang isasagot ko. Nakakasawa na ring magnosebleed. Mauubusan ako ng dugo. Hahaha.

Akala ko (ulit, marami talaga ang namamatay sa maling akala), sapat na yun para sa isang araw. I was proven wrong again. Paborito talaga ako ng mga bata. Hahaha. Kinahapunan, pagkatapos ng service sa church, dahil may oras pa, may bukas pang stores, naisipan kong dumaan sa walking street. Pagkatapos kong bilhin ang pinapabili ng kaibigan ko, lumakad na ako papuntang H&M (where most stuff are sold at a very affordable price but still with great quality), nang biglang may humarang na bata at nag-abot ng rose. Syempre, nagdalawang-isip ako na tanggapin yun. Kaso, mapilit, kinuha ko na. May inabot siyang papel. Nagsosolicit pala, for medicine daw. Nagbigay ako ng konting halaga. Pagkatapos kong i-abot ang pera, binawi nya ang rose. BINAWI ANG ROSE. Napa-homergerd ako sa isip ko. Akala ko (this time I died, sabi kasing marami ang namamatay sa maling akala eh) pag-uwi ko may rose na akong dala. May souvenir na sana ako sa perstaym kong pamamasyal ng mag-isa. Hahaha.

Dahil di ako maka-move on agad sa incident, sa Magasin (where signature brands are sold. Kumbaga, magdadalawang-isip ka kung bibilhin mo o hinde ang bagay na natipuhan mo dun dahil sa presyo. Pero, pagsale, wag na magdalawang-isip) ko na naisipang magwindowshopping. Tutal nasa tapat ko na. At dahil mag-aalas kwatro na nun, malamang di ko na maabutang bukas ang H&M. Ayun, may nahanap na ako na gusto kong isulat sa Christmas wishlist ko. Forgets ko na yung rose incident.

Pero, papalabas ako ng Magasin nang may makita akong babaeng may hawak-hawak na rose, bigla ko na namang naalala yung rose incident. Di pa pala ako tuluyang naka-get over. Nasabi ko tuloy (sa isip ko lang naman), “Boyfriend, bigyan mo ako ng kapalit nung binawing rose.” Then it hit me, wala nga pala akong boyfriend. Hahaha. Kaya, pasensyahan na lang. Tiis ako na walang bulaklak na natatanggap. Oo naman noh, kahit na may pagka-cynical ako, at kahit di practical ang bulaklak, bet ko pa rin makatanggap ng bulaklak. May romantic bone din naman ako sa katawan. Saka cute kaya sana yung makatanggap ng rose galing sa bata. Pero, na-scam pa ata ako. Hahaha!

Ayun, plano ko kahapon na gumala today. I-eexplore ko sana yung woods malapit sa neighborhood namin. I was kind of dreading nga to go outside kasi baka magkaroon na naman ako ng kid encounter at tuluyan na akong maubusan ng dugo. Hahaha. But, since late ako natulog at late ako nagising today, di natuloy ang balak ko. Di ako nakalabas ng bahay. Walang nangyaring kakaiba sa araw ko. Same old-same old. Boring. But, I had enough excitement yesterday and Friday, so tama na rin muna siguro yun. Okay na rin yung peaceful ang araw ko ngayon. Mag-iimbak na muna ako ng dugo para handa ako sa ibang araw. XD

Advertisements

2 thoughts on “A Dansk Experience: Kids in Action

  1. adik yung bata! hahaha hatag bawi hubagan sa **** . hahaha

    baka akala nung bata, ka edad ka lang nila kaya lapitin ka. 🙂 or hindi ka nakakaintimidate tingnan dahil sa size mo. Peace!

    • hubagan sa? la ko kasabot lurve. senxa. hehehe.

      hahaha… either of the two lang jud dale… pero, mas feeling naku kay nagtuo sila na bata pud ko… hahaha… pero, xempre naman sa size ko, walay bata maintimidate ui. hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s