Un Recuerdo Por Ti

*Galing din ito sa Multiply page ko. Posted last August 08, 2008. Same title pa rin. This was written for a special friend that time.*

 

Di ba sabi ko gagawa ako ng sarili kong composition na i-dededicate ko sa’yo. But, I’m not gonna write you a love song today (kinakanta ang line na ‘yan). So, I’m gonna write you this piece of blog. Di ko kasi masabi sa’yo nang harapan ang nararamdaman ko. Anlayo mo kasi. Kung bakit ba naman andyan ka, andito ako. Ahek! Di bale. Kaya, dito na lang muna. Sana mabasa mo. Kung ‘di naman, bantay ra jud ka nako. Hehe.

I’m just grateful na andyan ka. You were always there for me (sana ‘gang sa huli). If it weren’t for you, I won’t be able to recover this fast. If it weren’t for you nahihirapan at nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. If it weren’t for you baka ‘di ko pa rin matanggap na wala kaming future (paano nga naman magkaka-future, eh wala nga kaming past at present, hehe). When I needed someone, present ka.

But, I’m not gonna write you a love song today (kinakanta ulit ang line na yan). Kasi, I’m not sure kung love song ba ang dapat kong isulat para sa’yo. Pareho pa kasi tayong galing sa sakit sa puso (buyag!), este, na-brokenhearted (di ko maalala ang tamang term. naman!). Pareho pa tayo na karerecover lang sa angina pectoris.

But, I’m not gonna write you a love song today (wag mo nang itanong) kasi di ako sigurado kung mahal na nga ba kita. Ambilis naman kasi. Baka naman we’re just fond of each other. Ayaw lang nating malaman (di naman kasi pwedeng makita) na nasasaktan ang sinuman sa atin. Pero, di nga malabong magkadevelopan tayo (teka lang. negative ba tayo ng photograph at nadedevelop?). Uuuy..issue ‘to. Ang alam ko lang ngayon, mahal man kita more than a friend o hinde, you’ll always be a part of me (parang kanta ‘to ah. David Cook ikaw ba yan? O Mariah?). Sa ayaw at sa gusto ko..sa ayaw at sa gusto mo rin, bahagi ka na ng buhay ko. Nakatatak sa diary ko (may diary pala ako..?). Magulo man ako, dahil ikaw yan, alam ko maiintindihan mo ako. May USB (pahiram ng punch line ha) ka eh, este ESP pala (for sure, mako-confirm mo na ngayon na ikaw nga ang special friend ko. Wag umangal ha. Sagdii ko sa ako gibati. Di bitaw tika mapasakitan).

Di ka naman mahirap mahalin eh. Ta principia ya man gane yo kai contigo. Masaya ako pag andyan ka. Masaya ka kasing kausap (ka-chat gud para way away). Isa ka sa mga nakapagpapasaya sa akin. Basta..basta..makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Alam ko rin na maswerte ako at nakilala kita, naging ka-chat, kaibigan at kung anu-ano pang “ka”. Sabi ko nga sa’yo, andami mo nang role sa buhay ko. Di ka pa kaya mapagod? Tsaka, di ka ba bawal mahalin? Sana, hinde. Di kasi malayo (malapit na eh) na mahulog ang loob ko sa’yo. Konti na lang and i’ll be saying you had me at hello, you had me in a heartbeat. Tsaka, baka nga nahulog na talaga ako ‘di ko lang napansin. Sinalo mo ba ako?

I’m at ease and comfortable with you. Mukha ngang compatible tayo eh. Nagkakasundo tayo sa mga bagay-bagay (alam mo na ano ang mga bagay-bagay na ‘yan). I know we’ll reach a point where we won’t agree about something..but carbo + carbo is NATURAL! (sa bleach ko kinuha ang pamatay na line na ‘yan). Aminado ako na marami pa akong di alam tungkol sa’yo. Ikaw rin naman eh, marami ka pang ‘di alam tungkol sa akin. Kaya quitz lang. Besides, may “getting-to-know-each-other” naman ah. Darating at darating ang panahon na lalabas rin ang tunay nating kulay (pareho tayong kayumanggi) kung ‘di pa tayo nagpapakatotoo ngayon.

Pero, dahil piscean ako (blame it to astrology) kaya nagtitiwala ako na nagpapakatotoo tayo (naivete and gullible mode. duh?!) Sale gayod el diaton mga bagon. But, friends naman tayo kaya tanggap ko anuman ang kapintasan at kahinaan mo (sana vice versa ‘to). Lahat ng tao naman eh nagkakamali at nagakakaroon ng pagkukulang di ba?

But, I’m not gonna write you a love song today (alam mo na) coz I wrote you this. Basta, muchisimas gracias! Te quiero mucho! Te amo! (basta) Besos y abrazos! I’m not gonna write you a love song today coz I might/I’m gonna show you my love song someday.

 

*Kung bakit ‘di “I’m not gonna write you a love song today” ang title, kanya-kanyang trip yan. XD*

Advertisements

6 thoughts on “Un Recuerdo Por Ti

  1. Astig yung pick up lines, walang panama yung mga bago. Andaming nakakatawang side comments parang ako pag nakikipagchat. Nakakatuwang trip! 🙂

    • hahaha! mahilig kasi akong kausapin ang sarili ko. kaya ako na mismo ang nagsa-side comment sa mga pinagsasabi ko. lakas kong makatrip. hahaha.

      Pero, sa totoo lang, nagdalawang isip ako na i-post yan dito kasi nga naman past na yan at para lang akong adeeek kung makabanat dyan. hahaha.

      • Nakakarelate ako. Pero mas okay na yung pinupuna mo yung sarili mo through side comments. Mahirap nang maunahan ng iba. 🙂
        Sa blogosphere, sa tingin ko mas weird mas nakakaaliw so okay lang yan. Wala nga namang basagan ng trip 😀

      • true that. kanya-kanya talagang trip yan. Ang KJ, kill agad. hahaha! And yeah, mabuti nang ako ang unang pumuna kesa sa iba. Di pa ko magiging ampalaya. XD

  2. ” Darating at darating ang panahon na lalabas rin ang tunay nating kulay (pareho tayong kayumanggi)” hahahaha ikaw na vess

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s