A Thought on Prejudice

January 10, 2008 nang i-post ko ito sa yahoo group na sinalihan ko; January 31, 2009 nang i-post ko ‘to sa Multiply.

Mga kabobo share ko lang ‘to.. last night kasi ka-text ko ‘yung isang friend ko.. ganito ‘yung takbo ng usapan:

Friend: Anong ginagawa mo?

Ako: Nagbabasa.

Friend:Ano’ng binabasa mo?

Ako: ABNKKBSNPLAKo?!..Phil. Lit., non-fiction..

Friend: Ngee..boring..

Ako: (na-hurt ako!!!!!) Huh? Di mo lang alam.. Duty rin ba si Blah at

Blah (alam ko dapat inedit ko na ‘to..pero,feel kong isali eh..hehe)

Friend: Nope.. OPD sila.. ako lang ang ward..

Ako: Ahh,awkie.. Nga pala, bakit mo nasabi na boring ang binabasa ko?

Friend: Instinct ko. Totoo diba? hehe.. (maswerte talaga ‘tong kaibigan ko dahil di ako violent mode ng mga oras na yan at nasa malayo siya)

Ako: Dahil ba talaga sa instinct? O dahil sa Phil. lit? O baka naman dahil non-fiction? Gusto ko talagang ipabasa sa’yo ang libro then you tell me if boring ba.. kaso, ang layo mo.. (nautical miles ang pagitan namin..dahil kung kapitbahay namin ‘to, sinugod ko na s’ya)

Friend: School subject ba yan?

Ako: Nope.. It’s about a subject called life.. It’s one of my fave books.. Ikaw pa lang ang nakapagsabi na boring ang book..and to think na di mo pa nababasa.. (paano naman kasi, lahat ng tao na pinabasa ko ng libro ni BO eh hanga kay BO at sa mga akda niya.. no dull moments.. mga kakilala ko na nakabasa rin ng books ni BO yan din ang sabi..da best si BO!)

Friend: Sorry.. nagjudge ako kaagad..

Ako: Apology accepted. May mga instances naman talaga ng may prejudice tayo..

Friend: Yup.. Ako yun.. wahaha.. (well,wala ng kwenta ‘to, pero kasali sa usapan eh)

Ako: Ahh.. naloko ka nang title noh?

Friend: Oo, akala ko textbook.. (thoinx!)

Ang una kong rason kaya ko shinare to kasi bad trip talaga ako nung sinabi niyang boring ang book. Okay lang sakin kung sabihin niyang boring kung nabasa na niya ang libro. Opinyon niya yun. Pero ang sabihing boring ang Green book ng hindi pa niya nababasa eh nakapag-iinit talaga ng dugo.. Nung oras na ‘yun gusto ko talagang ipabasa sakanya ang book.. as in handa talaga akong sumugod.

Pero,habang nagmumuni-muni ako para maalis ang inis ko.. napaisip ako, sadya ngang may biases and prejudices tayo sa katawan, kahit pa mabait na tao. Perfect example ang Dad ko. My father is a good man (oo, binubuhat ko ang bangko ng tatay ko -di ata angkop ang binubuhat ko ang sarili kong bangko..hehe), just and fair. Pero, nung minsang nag-uusap kami sa hapag-kainan, nasabi niya na di raw siguro dapat iboto ang mga politikong nabibilang sa relihiyong hindi ko na lang papangalanan (i mean no disrespect sa mga kapatid nating nabibilang sa relihiyong ito). Sabi ko nga walang religion discrimination sa pagpili ng iboboto. Kahit yan pa ang relihiyon nya kung may magagawa naman siya para sa bayan.. aba, kanya ang boto ko.

Oo, may sort of prejudice ang tatay ko sakanila. May dahilan kung bakit ganun. Pero,di pa rin dapat nilalahat. Nagka-phobia ata dad ko sa kamay ng ibang nabibilang sa relihiyong yun. Lagi niya pa rin kasi akong pinaaalahanan na wag masyadong magtitiwala sa kanila.

Bakit napunta ang usapan namin sa kanila? Kasi tinanong ng mom ko kung nagconvert na daw ba si Noli de Castro sa relihiyong yun. Bakit napag-usapan si de Castro? Dahil sa panonood ng news tungkol sa mga president-wannabes.. whapak!

Bakit lumayo pa ako sa pagpili ng example ng may prejudice? Bakit di na lang ang sarili ko? Kasi may temporary amnesia ako ngayon at nakalimutan ko kung ano ba ang mga prejudices ko sa katawan. XD

Advertisements

4 thoughts on “A Thought on Prejudice

  1. Ramdam ko yung inis mo. Natatawa ako kasi pareho kong naranasan ang sitwasyon mo at yung sitwasyon ng friend mo. Minsan may nasambit akong di maganda tungkol sa pinakamamahal na bagay ng friend ko at inaway nya ako. Tapos sinabi ko yung pinanggagalingan ng paniniwala ko dahil sa masama kong karanasan tungkol sa bagay na yun. Nagsorry naman ako kasi alam ko kung paano rin ang pakiramdam kapag may nagsabi ng masama tungkol sa bagay na “I’m so passionate about.” Ayun okay naman na kami.
    Di naiiwasan ang prejudice pero maaaring mabago pag napag-uusapan. Mabuti at nilinaw mo sa friend mo yung issue at hindi basta mo na lang kinimkim at winalang bahala. May iba kasi, bigla na lang nawawala dahil may sama na pala ng loob. Ginaganyan kasi ako minsan. Ganyan din ako minsan. 🙂

    • Hi June! Ayun, antagal ko bago naka-reply… na-busy lang sa ibang bagay. Well, yeah, tama ka, di talaga maiiwasan ang prejudice. may biases kasi talaga tayo. ang mahalaga, we think before we act on it at dapat talaga handang makipagcommunicate, di man palagi, but most times, things are resolved by talking about the issue in a calm manner.
      Naku, kamuntik ko na ngang kimkimin yun eh, pero di ko talaga maiwasan na di i-open sa kanya na sumama ang loob ko. Yaman din lang at alam kong true friends kami, nilabas ko na. Ganun naman pag true friends diba, pwedeng-pwede maging open, maghayag ng sama ng loob at okay pa rin kayo pagkatapos. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s