One Friend

Memorize ko pa ang kantang One Friend. At sabi niya, nasa playlist niya yan hanggang ngayon. Labing-apat na taon na rin ang lumipas ng bigla na lang kaming ‘di nagkibuan. May hinala kami kung ano ang naging puno’t dulo nito, pero ‘di na rin kami sigurado kung tama ba ang naisip namin na dahilan. Basta, ang alam namin, kung anuman yun, Grade 5 yun nangyari.

Di ko na maalala kung kailan nagsimula friendship namin. Pero, nung Grade 5, we were the best of friends, at ang theme song nga namin ay ang One Friend. Sabay kaming nangarap maging abogado. Wala sa aming dalawa ang abogado ngayon. Pero, pareho din kaming ‘di sinasara ang possibility na baka nga i-pursue namin ang law. At dahil nga bestfriends, siya ang lagi kong kasa-kasama noon. Pinag-usapan na ata namin ang lahat ng pwede naming mapag-usapan. We had fun. Kagabi ko lang nalaman, sa akin niya pala natutuhan na ang slumber ay synonymous sa sleep. Hihi. Di ko na maalala ‘yan. I remember our walks though. I remember that we were really happy then.

So, if there was a friendship that I really regretted losing, yun yung friendship namin. It happened suddenly, Grade 5, best of friends; dumaan lang ang summer nag-iba na ang ihip ng hangin. Nung nasa Grade 6 na kami, kibuan-dili na ang show. I think nung early months nung Grade 6, bestfriends pa rin kami until we started to drift apart and talk less until we just totally stopped talking with each other. I started to hang out with other friends. Ganun din siya. We didn’t see each other eye to eye then. We weren’t able to patch things before our elementary days ended.

And then another summer passed by. Simula na ng panibagong chapter ng buhay namin: High School. Magkaiba kami ng pinasukang high school; at dahil early 2000 pa yun, di pa uso ang cellphone at internet sa isla namin, kaya tuluyan na talaga kaming nawalan ng komunikasyon. Walang paglilinaw na naganap. All these years, akala ko galit siya saken. Di ko na rin alam ang dahilan kung bakit iniisip ko na galit siya saken. And through all those years, minsan ko lang siya nakita. Naglalakad kami noon ng mga friends ko papuntang school ng mapansin kong naglalakad siya sa unahan namin. Tinawag ko siya pero nagtago rin agad ako sa likod ng payong. Di ko na inantay kung lilingon siya. Pero, alam kong lumingon siya, sabi ng friend ko. At yun na ang huling pagkakataon na nakita ko siya.

Marami na rin akong naging bagong kaibigan. Mga kaibigang napatunayan kong totoo. Kasama ko sa ups and downs ng buhay ko. Kasama sa kalokohan, kasama sa behaved moments. Pero, all these years, pinanghihinayangan ko ang nasirang friendship namin. I was really hoping we could patch things up and be friends again. Di man tulad ng dati, but at least, nalinaw kung anumang gusot ang namagitan sa amin. So, when the advent of Facebook came (and Friendster pa nga eh) nagpadala agad ako ng friend request sa kanya (pagkatapos siyang i-search syempre). Kapal fez na. Fortunately, tinanggap naman niya. Pero, di pa rin kami nag-usap nun. Pa-like-like lang ako sa photos niya. Siya, nanahimik sa lungga niya, di man lang naligaw sa kung anumang posts ko. Hahaha.

Then, October 26 ng maisipan kong mag One Piece marathon ulit. Syempre, post ako ng post sa FB ng mga bagay na related sa One Piece. November 2 nang magcomment siya sa isa sa mga posts ko. Dun na nag-umpisa ang communication namin ulit. Sa tingin ko, parang walang nagbago sa turingan namin. Para bang pinindot lang namin ang pause button at nagpause ang panahon ng 14 taon tapos ngayon pinindot ang play and we picked up where we left off. Masayang-masaya ako. My prayer was finally answered. Akala ko hanggang pangarap na lang talaga na mabuo uli ang friendship namin. It’s kind of crazy that it took us more than a decade to finally have another real conversation. And it’s kind of liberating actually to finally have one; maybe because I was kinda feeling guilty dahil hinayaan kong mawala ang friendship namin. Maganda rin talaga sa pakiramdam na isa na ulit siya sa mga ka-laughtrip moments ko, just how we used to when we were younger. And maybe this time, there’d be no falling apart. Di na rin ako papayag na masira ulit ang pagkakaibigan naman. Hinde man siya ang bestfriend ko ngayon, alam ko namang isa siya sa mga totoo kong kaibigan. ๐Ÿ™‚

SHAMEER!!! I missed you big time!!! ๐Ÿ˜›

Advertisements

3 thoughts on “One Friend

  1. lalaki ba si shameer? hahaha natawa ako dun sa payong incident. hahaha ang engot lang.

    well, time will tell talaga. And this time, it told both of you that you are good friends. ๐Ÿ˜€

    • Kahit maraming naiinis sa facebook, hindi maikukubling napaka-useful din nito in rekindling old friendships. Pero wala nang mas hihigit pa sa totoong intensyon ng taong makipagkaibigan dahil kahit marami man ang paraan kung wala ang gustong makipagkaibigan, meron at meron ding payong na napagtataguan.
      Ang saya ng kwento, it also gave me nostalgic feelings. I bet everyone could relate to it. ๐Ÿ˜‰

  2. Hahaha! Yung payong talaga ang nakakuha ng atensyon. Takot kasi akong ma-reject niya nung mga panahong yun kaya kahit naglakas-loob ako na tawagin siya, di ko naman kayang makita kung ano ang magiging reaksyon nya. hahaha.

    Lurve, yep, lalaki siya. Dami kong boy friends eh. Nyahahaha! ๐Ÿ˜›

    June, I totally agree with you. Kung totoo talaga ang intensyon, no matter the obstacle, gagawa talaga ng paraan. I’m just so glad we got over our childish act. At salamat sa like. ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s